Thursday, May 10, 2012

Wow long time no posting in here, hehehe anyways, happy mothers day to all the mothers on earth, saka happy mother's day sa aking one and only asawa, Mimi, na baka next year pa kami magbababy hehehe

Monday, February 02, 2009

Para sa aking mahal

Mahigit dalawamput-apat nang buwan ang lumipas
Pag-ibig mo sa akin ay di nagwawagas
Kahit may mga unos sa ating mga buhay
Lagi pa rin tayong magka-agapay

Mahilig ka lagi sa takuyaki
kaya lagi tayo bumibili sa ating suki
Sinubukan ang Naicha sa ibat ibang tindahan
Ngunit sa chowking mo lang pala matitikman

Lagi kang nasasarapan kapag ako ay jinajagat
Pero pag nagkakamot ka lagi kang nagkakapeklat
Takot kang lumapit sa mga mascot at payaso
Kahit si jolibee napaiyak ka ng todo

Takot kang manuod ng mga horror at suspense
Pero pag pelikula ni john lloyd ay laging may tense
Pag mga drama kunwari tinuturo mo ako ang naiiyak
Pero sa totoo lang nadarama mo rin ang storya tiyak

Kahit mahilig kang magselos dahil sa mga seksi
Ikaw lang ang aking true love one and only
Kaya sana ay tanggapin ang aking pinaghirapang tula
Nang ang ating buhay ay mapuno ng pagmamahalan at ligaya

Happy 2nd anniversary baby ko!!

Sunday, November 02, 2008

Flying to Singapore..

kakaalis lang ng Gf ko papuntang Singapore, medyo nung kakasakay ko pa lang ng bus pauwi, tapos nung nagtext siya sa kin, medyo napaluha ko, di ko din napigilan, nalungkot din akong bigla kasi 2 months di ko siya makikita ulit, buti hanggang dec. 21 lang siya dun, dito pa rin siya magpapasko, sana bumilis na mga araw...

New Owner! Smart Broadband Prepaid!

Yes, nagkasmart bro na din ako, at ayus pala signal sa min nito, nakaHSDPA yung speed sa min, hehehehe, ok na din manuod ng youtube at magdownload ng games, in 2800 lang meron ka nang broadband (may kasamang 300 peso load kaya 2800, hehehe), pero ok na rin kahit medyo mas mabagal sa line na dsl

Sunday, October 05, 2008

Malungkot..

parang naalalako tuloy yung kanta ngayon ni Michael V. Di ko alam pero para akong binagsakan ng malaking puno, na magkahalong sakit ng katawan saka sakit sa puso, para din me n mapapaiyak na hindi , hindi ko malaman nararamdaman ko ngayon, pero hanggang nabubuhay ako hindi ako susuko, siguro titigil lang ako sa pagmamahal ko kapag nawala na ko sa Mundo..

parang gusto kong kumanta ng "Can't Smile without you" ni Barry Manilow...

Wednesday, September 24, 2008

Taga Pasig ka kung alam mong...

Taga Pasig ka kung alam mong...


- ang pasig ay nagmula sa Alamat ng Pasig starring Pas at Igme


- ang kapital ng Pasig ay Kapasigan

- ang tatlong huling mayor ng Pasig ay magpamilya


- ang kinatatayuan ng Jolibee sa kapasigan noon ay isang tailoring shop


- ang Dimas-alang ay nagbebenta ng masarap na Cassava Cake


- si Rachelle Ann Go ay taga pasig


- Ang simbahan sa pasig ay tinatawg nang Cathedral at hindi na siya church


- nasa pasig ang dating pinakamalaking High School sa buong mundo in term sa Population, at ito ay ang Rizal High School


- ang pinakaunang supermall sa Maynila ay ang SM Megamall at kalahati nito ay part ng Mandaluyong at part ng Pasig


- si Jose Rizal ay bumibisita sa kanyang tiyuhin na si Padre Jose Burgos dito sa pasig kung saan dito sia nakatira


- Si Padre Jose Burgos ay minsang naging punong pari sa simbhan ng Pasig


- Dating kapitolyo ng Rizal ang Pasig kaya nasa loob ng pasig ang Kapitolyo ng Rizal


- kilala mo si Taga-ilog (hindi si Marcelo del Pilar ah) na member ng Culture Crash comics

Friday, June 27, 2008

4.00M33 will coming out soon

Eto na ang pinakahihintay ng lahat ang paguupdate nila ng PSP to 4.00M33, tagal ko na rin inaasam na magupdate simula pa nung 3.90M33-3, hehehe, para sa updates, punta lang kayo sa site ni dark-alex

http://www.dark-alex.org/

Mag-ingat sa Bus na JMK na bumibiyahe sa Baclaran LRT - Monumento

Pinapaalala ko lang na mag-ingat sa mga commuters ng bus na ang way eh sa Baclaran LRT-Monumento na kadalasang dumadaan sa shaw, ayala, guadalupe. Twice kong nakarinig na nagkaroon ng holdapan sa same name ng bus liner, at eto yung JMK liner, ngayon parang totoo talaga na may holdap bus na gumagala sa metro manila. Kung di lang ako nakababa ng bus, dalawa kami ng gf ko ang naholdap ng bus, yung ayun sa kwento ng gf ko tumabi daw yung isang holdaper sa tabi niya tinutukan daw siya ng baril then merong tumayo sa harap na may hawak ng granada then meron din daw sa likod niya namay hawak ng patalim, ngayon nireport na nila sa police station yung nangyaring yunkung sana patas sana yung labanan sa buhay eh hindi pa rin, nakakalungkot talaga dahil sa hirap ng panahon nakakagawa sila ng mga ganitong bagay..hirap kumita ng pera ngayon tapos ganito lang gagawin nila, haaayyyy

Sunday, June 15, 2008

It's a Sunday, what would you do in this day?

Again its another Sunday, and what most people here usually do? Hang out in their nearby malls, go shopping galore, watch their favorite movies, or just sleep the whole day. But dont forget that there still a special place that we will be all gaoing in this day, and it is the house of God, its just only an hour to spent time with God. So where you will go now??

Changing studio name..

Maybe in a couple of days i might be changing the name of my self-publish studio to avoid conflicts with other companies or individuals that using JFStudios. So i may think or can i have some recommendation on what will my new studio will be named, and also this blog will renamed based on the chosen name.