Sunday, November 02, 2008

Flying to Singapore..

kakaalis lang ng Gf ko papuntang Singapore, medyo nung kakasakay ko pa lang ng bus pauwi, tapos nung nagtext siya sa kin, medyo napaluha ko, di ko din napigilan, nalungkot din akong bigla kasi 2 months di ko siya makikita ulit, buti hanggang dec. 21 lang siya dun, dito pa rin siya magpapasko, sana bumilis na mga araw...

New Owner! Smart Broadband Prepaid!

Yes, nagkasmart bro na din ako, at ayus pala signal sa min nito, nakaHSDPA yung speed sa min, hehehehe, ok na din manuod ng youtube at magdownload ng games, in 2800 lang meron ka nang broadband (may kasamang 300 peso load kaya 2800, hehehe), pero ok na rin kahit medyo mas mabagal sa line na dsl

Sunday, October 05, 2008

Malungkot..

parang naalalako tuloy yung kanta ngayon ni Michael V. Di ko alam pero para akong binagsakan ng malaking puno, na magkahalong sakit ng katawan saka sakit sa puso, para din me n mapapaiyak na hindi , hindi ko malaman nararamdaman ko ngayon, pero hanggang nabubuhay ako hindi ako susuko, siguro titigil lang ako sa pagmamahal ko kapag nawala na ko sa Mundo..

parang gusto kong kumanta ng "Can't Smile without you" ni Barry Manilow...

Wednesday, September 24, 2008

Taga Pasig ka kung alam mong...

Taga Pasig ka kung alam mong...


- ang pasig ay nagmula sa Alamat ng Pasig starring Pas at Igme


- ang kapital ng Pasig ay Kapasigan

- ang tatlong huling mayor ng Pasig ay magpamilya


- ang kinatatayuan ng Jolibee sa kapasigan noon ay isang tailoring shop


- ang Dimas-alang ay nagbebenta ng masarap na Cassava Cake


- si Rachelle Ann Go ay taga pasig


- Ang simbahan sa pasig ay tinatawg nang Cathedral at hindi na siya church


- nasa pasig ang dating pinakamalaking High School sa buong mundo in term sa Population, at ito ay ang Rizal High School


- ang pinakaunang supermall sa Maynila ay ang SM Megamall at kalahati nito ay part ng Mandaluyong at part ng Pasig


- si Jose Rizal ay bumibisita sa kanyang tiyuhin na si Padre Jose Burgos dito sa pasig kung saan dito sia nakatira


- Si Padre Jose Burgos ay minsang naging punong pari sa simbhan ng Pasig


- Dating kapitolyo ng Rizal ang Pasig kaya nasa loob ng pasig ang Kapitolyo ng Rizal


- kilala mo si Taga-ilog (hindi si Marcelo del Pilar ah) na member ng Culture Crash comics

Friday, June 27, 2008

4.00M33 will coming out soon

Eto na ang pinakahihintay ng lahat ang paguupdate nila ng PSP to 4.00M33, tagal ko na rin inaasam na magupdate simula pa nung 3.90M33-3, hehehe, para sa updates, punta lang kayo sa site ni dark-alex

http://www.dark-alex.org/

Mag-ingat sa Bus na JMK na bumibiyahe sa Baclaran LRT - Monumento

Pinapaalala ko lang na mag-ingat sa mga commuters ng bus na ang way eh sa Baclaran LRT-Monumento na kadalasang dumadaan sa shaw, ayala, guadalupe. Twice kong nakarinig na nagkaroon ng holdapan sa same name ng bus liner, at eto yung JMK liner, ngayon parang totoo talaga na may holdap bus na gumagala sa metro manila. Kung di lang ako nakababa ng bus, dalawa kami ng gf ko ang naholdap ng bus, yung ayun sa kwento ng gf ko tumabi daw yung isang holdaper sa tabi niya tinutukan daw siya ng baril then merong tumayo sa harap na may hawak ng granada then meron din daw sa likod niya namay hawak ng patalim, ngayon nireport na nila sa police station yung nangyaring yunkung sana patas sana yung labanan sa buhay eh hindi pa rin, nakakalungkot talaga dahil sa hirap ng panahon nakakagawa sila ng mga ganitong bagay..hirap kumita ng pera ngayon tapos ganito lang gagawin nila, haaayyyy

Sunday, June 15, 2008

It's a Sunday, what would you do in this day?

Again its another Sunday, and what most people here usually do? Hang out in their nearby malls, go shopping galore, watch their favorite movies, or just sleep the whole day. But dont forget that there still a special place that we will be all gaoing in this day, and it is the house of God, its just only an hour to spent time with God. So where you will go now??

Changing studio name..

Maybe in a couple of days i might be changing the name of my self-publish studio to avoid conflicts with other companies or individuals that using JFStudios. So i may think or can i have some recommendation on what will my new studio will be named, and also this blog will renamed based on the chosen name.

Happy Father's Day

Wow, time go fast, past 12 am na pala, hahaha, well greet ko na lahat ng tatay sa buong mundo and specially my dad, Happy Father's Day!!!!






Sa bawat unos may liwanag

Sa bawat tao ngayon may mga problemang kinahaharap, mahirap man sila or mayaman, may kapansanan or wala, may karelasyon or wala, basta laging iisipin na laging ang Diyos ang tanging gabay para pakaahon sa unos ng ating buhay, kaya di dapat tayo mawalan ng pag-asa, hindi dapat laging negative attitude sa pakikitungo sa buhay, live life to the fullest ika nga, at ingatan din natin ang mga pinanghahawakan natin sa mga minamahal na tin sa paligid dahil di natin alam baka bigla silang maglaho ng parang bula, para ang tiwalang tanging hangad nila ang maari nating makuha at may magiging kapalit na biyaya...

Medyo depress lang ako ngayong araw na ito, siguro pwedeng itulog ko na lang ang mga problema ko, bukas ko haharapin ng buong tatag ng loob at sigla para malagpasan ang unos na nararanasan ko sa buhay ko ngayon...

Saturday, June 14, 2008

OK KA BA TIYAN

Well gusto ko ulit buhayin ang nagiisa kong blogsite na walang kakwenta kwenta ang laman, hehehe, fell free to browse kung anu makikita ninyo dito